#Hugot

Bakit nga ba nakakatakot magmahal? Sabi nga nila, “ang pag-ibig ay para sa matatapang lang.” Kaya kung duwag ka, wag mo nang subukan pa. Masasaktan ka lang.

Pero hindi ba’t iyon ang kagandahan kapag umiibig ka? Hindi yung masasaktan ka, pero, yung magiging “ikaw” pagkatapos mong masaktan. Oo, kailangan mo pagdaanan lahat ng sakit, lahat ng araw na gusto mo na lang mamatay para mawala na lahat ng nararamdaman mo. Mahirap. Masakit. Pero pagkatapos nun, maniwala ka man o hindi, doon mo makikita, doon mo mararamdaman, na okay lang pala. Na magiging okay din pala ang lahat.

Pagkatapos ng lahat, doon mo malalaman na kaya mo naman pala. Na kahit anong sakit at hirap, kaya mo pala. Yung akala mong walang katapusan, matatapos din pala. Yung hindi mo inaasahan na mawawala, mawawala rin pala. Ang lahat ng iyon, ngingitian mo na lang, tatawanan, at sasabihin sa sarili, “Bakit ka natakot? Kaya mo naman pala.”

Masakit at nakakatakot magmahal. Pero gayunpaman, masarap sa pakiramdam. At higit sa lahat, sa bawat sakit na iyong mararamdaman, tumatatag at tumatalino ka.

 

#thoughts #isip #utak

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s