Hindi ko alam kung bakit ang karamihan ng tao mahilig manghusga.

Hindi ko alam kung bakit ang karamihan ng tao nakikita lamang ang kahusayan nila at ang kapangitan ng iba.

Hindi ko alam kung bakit ang karamihan ng tao, kahit paulit-ulit pagsabihan, hindi parin nakikinig.

Hindi ko alam kung bakit halos lahat tayo puro “ako” ang bukang bibig.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam kung bakit kahit saan ako magpunta, may ibang taong makikinig lamang sa gusto nilang pakinggan.

Hindi ko alam kung bakit kahit saan ako makarating, may ibang taong tititigan lamang ang gusto nilang makita.

Hindi ko alam kung bakit kahit kanino ako magtanong, paulit-ulit ang naririnig na sagot.

Hindi ko alam kung bakit kahit sino ang kausap, pare-pareho ang naririnig na kasagutan.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nagtatanong parin ako kung “bakit?”

Hindi ko alam kung bakit nagmamahal parin kahit paulit-ulit nasasaktan.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s