Malandi ba kamo?

Naniniwala ako na walang taong perpekto. Oo, tama, wala nga. Pero, naniniwala rin ako na pwede tayong pumili. Siguro naman kapag mahigit sa dalawampung taon ka na, medyo may alam ka na. Alam mo na kung ano ang tama sa mali. Hindi ko alam kung bakit napili ng isang sikat na personalidad ang pagiging “mali” sa isang bagay. Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sa ginawa niya. Ang sa akin lang naman, kinailangan mo pa bang sabihin sa buong Pilipinas, ay, teka, sa buong mundo pala (may TFC ang ABSCBN diba?), na “hindi kayo okay” o “break kami ngayon” ng ex-boyfriend mo na nakasisiguro akong nasaktan, at nasasaktan para sa’yo ngayon? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo para gawin yun. AT! Ginawa mo pa yun sa harapan ng isa sa pinaka madadaldal at echuserang frog sa Pilipinas. Ewan ko lang ha, pero tama nga sila, napaka insensitive nga naman ng ginawa mo. Biruin mo, ipagmalaki ba naman ang paghihiwalay niyo dahil sa “spur of the moment” niyong dalawa ng isa nga naman international artist na lahat ng kababaihan ay siguradong kinababaliwan? Hay. Buhay nga naman. Siguro nga ang “suwerte” mo naman dahil nangyari yun. Pero, ate, sana naman, alam mo kung ano ang pinagkaiba ng “suwerte” sa “mali,” maliban sa ispeling. Sorry ha, opinyon ko lang naman ito eh. Pero ang sa akin lang, tao ka, at alam ko na alam mo ang pakiramdam na maiwanan, at sigurado rin ako na alam mo kung gaano kasakit ang mapahiya. Yun ang ginawa mo sa taong nagmahal sa’yo at sumuporta sa’yo, kahit noong hindi ka pa sikat. Ewan ko kung anong nararamdaman mo ngayon. Marahil, nasasaktan ka rin dahil sa reaksyon ng tao. At sa tingin ko, dahil sa pagmamahal sa iyo na ex-boyfriend mo, nasasaktan rin siya para sa’yo. Eh pano kaya kung yung international star? Sa nakikita ko, oonti lang ang mga tumatagal na relasyon sa mundo ng Hollywood. Ewan ko lang kung anong mangyari sainyo kapag nagkatuluyan kayo. Isa lang ang alam ko ate, nirerespeto ka ng taong bayan dahil sa ibinigay mo na dangal sa bansa, pero sa ipinakita mo, hindi mo lamang ibinaba ang sarili mo, pero sa palagay ko, kahit papaano, naapektuhan din ang buong Pilipinas sa ginawa mo.

Ang sa akin lang naman, okay lang naman lumandi eh. Pero yung tamang landi lang, alam mo yun? Isa isa lang kasi. Pag meron, meron. Hindi puwedeng meron na nga, mag memeron 2 ka pa. Gets mo ba? Ewan. hihi

Opinyon ko lang naman ito mga kaibigan. Bahala na kayo. Hihihi

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s